Mga Paraan Para Mabilis Matuto Sa Iyong Trabaho

Kung gusto mo ma-promote sa inyong kumpanya or naghahanap ka ng ibang trabaho, dapat ay ihanda mo ang iyong sarili. Ang pinakamabuting paraan para makamit mo ang iyong mga pangarap ay mag-aral ng bagong kaalaman or skills.
Umpisahan mo ng pag-set ng iyong “goals”. Kung gusto mong lumipat ng ibang departamento, alamin mo kung anung kaalaman ang kailangan mong malaman para mapasanib ka sa kanila. Tanungin mo ang iyong manager kung ano ang kailangan mong matutunan para ikaw ay ma-promote.
Ngayon na alam mo na ang kailangan mong gawin, ito ang mga tips para madali kang matuto.

1 Kumuha ng “mentor” or gabay

Magpaturo ka sa isang ekperto or isang katrabaho mo na mahusay sa ganitong trabaho. Humingi ka ng konting oras ka kanila para turuan ka. Sapat na siguro ang 30 minutes ng kanilang oras para makausap mo sila at mailahad ang iyong pakay. Pagkatapus nun tanungin mo kung mayroong paraan sila na turuan ka sa mas pormal na paraan. Mag-establish ka ng magandang pakikitungo sa iyong gabay or eksperto. Marami kang matutunan sa kanyang magtuturo.

2 makitungo sa kabilang team

Kung balak mo ay matuto, kailangan alamin mo kung ano ang responsibilad at mga trabaho ng kabilang team. Kunwari, maghanap ka ng kaibigan sa departamento na gusto mo pasukan. Pwede mo siya dalawdalawin para makita mo kung ano ang mga trabaho at responsibilidad nila. Mararanasan mo “first hand” kung ano ang papasukin mong trabaho. Magkaka idea ka kung pano mo ito pagbubutihin.

3 Mag-aral ka ulit

Kung gusto mo ma promote kailangan ay sang ayon ka mag-aral muli. May mga trabaho na kailangan may Master’s degree ka or Degree ng Sales and Management. Para maging qualified ka para sa pusisyon, kailangan mag-aral ka ulit sa unibersidad para may sapat kang kaalaman sa papasukan mong trabaho.



from You're Hired http://ift.tt/2gMFv8A
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss