Mga Tips Kung Paano Maging Eksperto sa Trabaho
Lahat tayo ay gusto maging matagumpay at maging mabuting malimbawa sa ating trabaho. Ngunit hindi madali ang tagumpay. Kailangan ikaw may ay magandang ugali, professional at marunong ka mag teamwork. Ang sumusunod na tips ay makakatulong sa iyo kung paano maging eksperto sa iyong trabaho.
1. Pag-aralan mong mabuti ang iyong trabaho para magawa mo ito ng maayos.
2. Magtrabaho ka ng maayos. Iwasan ang mga personal na gawain at mga tawag sa telepono sa loob ng opisina. Huwag mo dalhin ang personal mong problema sa opisina na makakaapekto sa iyong trabaho.
3. Maging propesyonal. Maging seryoso at pokus sa trabaho kahit ano pa ang maging sitwasyon. Huwag makipagharutan sa loob ng opisina.
4. Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
5. Magkaroon ng “initiative” or kusang palo.
6. Maging isang “team player”. Para maging matagumpay, kailangan ay marunong ka makisama at makituring ng maayos sa iyong mga katrabaho.
7. Kilalanin mo ang boss mo. Hindi mo kailangan siya maging isang bestfriend. Kailangan lang alam mo kung paano siya mag-isip, kumilos, o magpalakad ng opisina para alam mo kung paano ka kikilos na maaaccomplish mo ang trabaho mo na nararapat sa kanyang ekspekstasyon.
8. Matuto kang tumanggap ng kritisismo lalo na kung ikabubuti ito ng iyong trabaho.
9. Magkaroon ka ng maraming kaibigan sa loob ng opis.
10. Samantalahin mo ang mga pagkakataon sa pagsubok ng bagong trabaho o libreng training para may dagdag kaalaman ka.
11. Maging parte ka ng mga solusyon. Hindi sapat ang itinuturo mo lahat ng problema sa opisina. Kailangan ay may maibigay ka din solusyon para sa mga ito.
12. Umiwas sa tsismis at huwag kang mag-uumpisa o magkakalat ng tsismis.
13. Mag volunteer ka sa mga bagong projeks. Ang pag vovolunteer ay hindi lamang makakabuti sa iyong career at magkakaroon ka ng attensyon galing sa iyong boss. Nakakatulong din ito sa iyo para magkaroon ka ng job satisfaction. Nagiging incentibo ito para magtrabaho ka ng mas maayos at nagkakaroon ka ng bagong direksyon sa buhay.
14. Turuan mo ang iyong kapwa katrabaho. Makakabuti sa iyo na makita ng boss mo na tinuturuan mo ng mabuting aral ang iyong mga katrabaho. Nakakadagdag ito sa value mo sa kumpanya.
from You're Hired http://ift.tt/2xKbUr0
via IFTTT
Comments
Post a Comment