Mga Tips Para Maganda ang Impresyon Mo sa Opis

Mahalaga ang unang impresyon dahil ito ang nagtatagal sa isipan ng tao at ito ang nagiging basehan nila ng opinion nila sa iyo. Lalo na sa opisina, ang unang impresyon ng iyong mga katrabaho ay napakahirap baguhin.
Sundin mo ang mga tips na ito para maganda ang iyong unang impresyon sa iyong boss at mga katrabaho.

1. Magkaroon ng posibitibong ugali

Huwag mong dalhin ang mga personal mong problema sa opisina. Maging masayahing tao at maging mabuti ang pakitungo sa iyong katrabaho.

2. Maging propesyonal sa pananamit

Magbihis ng sang-ayon sa polisiya ng iyong opisina. Malaki ang naitutulong ng maayos at nararapat na pananamit sa iyong opis. Mas rerespetuhin ka at propesyonal ang tingin sa iyo.

3. Ipakita mo na team player ka

Alalahanin mo na parte ka na ng isang team kayat maging willing ka tumulong sa iyong ka-team mate. Huwag kang maging pabigat sa trabaho at imbes tumulong ka sa paghanap ng mga solusyon sa problema o pag-achieve ng mga goals ng team.

4. Imemorize mo agad ang mga pangalan ng iyong katrabaho

Malaking bagay ang makilala mo agad ang iyong mga katrabaho sa pagsabi ng tamang pangalan nila. Kung mahina ang memorya mo sa pangalan, gumawa ka ng paraan na madali mong maalala mga pangalan nila. Matutuwa sa iyo ang mga katrabaho mo kung agad mo sila makikilala sa pangalan nila.

5. Huwag mahiyang magtanong o humingi ng tulong

Expected naman sa iyo na hindi mo agad magagamay ang trabaho sa unang araw mo. Huwag ka nang magmarunong. Hindi kahinaan ang pagtatanung. Kapag ikaw ay humingi ng tulong ibig sabihin nun ay interesado ka matuto ng tamang gawain.

6. Magsulat ng notes at umattend ka sa orientation

Mahalaga na umattend ka ng lahat ng orientation at meeting para makabisa mo agad ang magiging trabaho mo. Isulat mo lahat ng itinuturo sa iyo para hindi mo makalimutan.

7. Magkaroon ng kusang palo

Magkaroon ka ng initiative or kusang palo sa trabaho. Huwag mong antayin sabihin sa iyo ang dapat mong gawin. Maging matulungin sa iyong katrabaho.

8. Alamin mo ang lahat tungkol sa bago mong boss or kumpanya

Kilalanin mong mabuti ang iyong boss at yung kumpanya na pinagtratrabahuan mo. Basahin mo ang employee handbook.

9. Dumating ka ng maaga, umalis ka ng late at huwag kanga absent

Pag ginawa mo ito pinapakita mo kung gaano ka kasipag na tao. Sa unang lingo ng iyong trabaho, umiwas mag lunch ng matagal. Gamitin mo ang opportunidad na ito para obserbahan kung ano ang patakaran sa opisina.

10. Gandahan mo ang attendance mo

Sa mga unang lingo at buwan ng iyong pagtratrabaho, huwag kang aabsent or ma-lelate. Importante na ma-establish mo ang iyong magandang attendance para sakaling magfile ka ng sick or vacation leave ay hindi ka mahihirapan.

11. Umiwas sa tsismis at “office politics”

Hindi nawawalan ng mga tsimis sa loob ng isang opisina. Ang mahalaga ay huwag kang papaapekto, huwag mong papatulan at higit sa lahat, huwag mong ikakalat.



from You're Hired http://ift.tt/2wDcQxr
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss