Nakakadagdag Stress ang Laging Nakaabang sa Email Ayon sa Mga Researchers
Ayon sa mga manaliksik ng Virginia Tech, nakakadagdag sa stress ng isang empleyado ang pagmonitor ng kanilang email galing sa boss lalo na sa labas ng kanilang oras ng trabaho.
Kahit na wala namang emails na kailangan sagutin or trabahuin, ang mismong akto ng pag-aantay na baka sakaling may email na ipapadala ang iyong boss ay nakakastress at nawawalang ng pangsariling oras ang isang empleyado. Yun ay isang obserbasyon ng isang associate professor ng Virginia Tech na nangangalang William Becker. Dahil sa mga ganitong ekspektasyon nawawalan ng kalidad ang buhay ng empleyado. Nauubus ang pangsariling oras nila sa pagresponde sa mga email na pangtrabaho.
Ang pinaka apektado sa lahat ay ang mga empleyado na ginugustong hiwalay ang pribado at pangtrabaho nilang buhay. Ngunit kahit ang mga empleyado na hindi masyadong concerned sa work and life balance ay kalaunan naaapektuhan na din ng ganitong stress, ayon sa mga mananaliksik.
Ang kanilang mga rekomendasyon ay dapat aware ang mga managers sa magiging negatibong epekto ng kulturang dapat laging on-call ang mga empleyado sa kanilang email kahit wala na sa oras ng trabaho. Dapat ay may sapat na pahinga sa trabaho ang mga empleyado at nabibigyan nila ng halaga ang pampribado nilang oras sa sarili. Kapag may sapat na pahinga at privacy, nagkakaroon sila ng sigla para magampanan ang kanilang mga responsibilidad sa trabaho pagbalik nila galing sa kanilang mga day-off. Kayat nirerekomenda ng mga ekperto na iwasan magpadala ng email tungkol sa trabaho lalo na sa mga araw na off ng empleyado.
Dapat maintindihan ng mga managers na nagiging negatibo ang resulta ng ganitong pamamalakad lalo na nakakaapekto ito sa mga indibidwal na pananaw at kalusugan ng kanilang empleyado. Sa paglipas ng panahon, hindi lang ang iisang empleyado ang apektado. Nakakaapekto din ito sa kabuuan ng organisasyon, ayon sa mga eksperto.
from You're Hired http://ift.tt/2f9z0Qe
via IFTTT
Comments
Post a Comment