Paano Ma-Motivate ang Empleyado
Noong ako ay nagtratabaho pa, nakaroon ako ng napakahusay na boss na kahit hindi ako nabigyan ng kahit anong award or pabuya, napaimprove nya ang aking performance sa trabaho. Ngayon, naalala ko siya, doon ko narealize ang kanyang style sa pag motivate ng kanyang empleyado. Ito ang kanyang mga naging paraan kung kayat lahat ng mga empleyado na nahawakan nya ay nagtatagumpay.
1. Dalas dalasan ang “coaching”
Kung nakikita mong nahihirapan ang iyong empleyado sa kanyang trabaho marahil ay may mga problema ito. Magandang at least 1 or 2 beses sa isang buwan ay magkaroon kayo ng “coaching session”. Gamitin mo ang oras na ito para i-assess sa kanyang ang performance ratings nya, kung saan sya nag-eexcel or pumapalpak. Purihin mo ang empleyado sa kanyang mga tamang gawain, achievements or kung nakamit nya ang mga work goals niya (quota, deadlines, projek na natapos). Tapos magfocus kayo kung saan siya nahihirapan. Maaring may mga problema ang empleyado mo sa trabaho or personal na buhay na nakakahadlang sa kanyang performance. Ungkatin mo kung ano mga ito at magbigay ng payo at solusyon.
2. Ugaliin batiin sila sa umaga o kamustahin sila habang nagtratrabaho
Isa sa mga ugali ng dati kong boss ay nag gu-good morning siya palagi sa umaga. Natutuwa kaming lahat sabay na-aalerto din kami na andun siya sa opisina ng maaga at on time. Ang epekto nito ay disimulado. Nahihiya na ma-late ang mga katrabaho ko dahil narerealize nila na mas maaga dumadating ang boss. Nababati din sila ng “wala ka kaninang umaga nung nag good morning ako”. Para sa mga on time, para silang nagigising at na-aanticipate nila ang presencya ni boss kayat pakitang gilas sila tuwing umaga.
3. Mag bigay ng rekognisyon kapag may magandang nagawa ang isang empleyado
Minsan hindi naman habol ng isang empleyado ang monetary award para mag-improve sa trabaho. Mas hinahanap hanap nila ay ang recognisyon or “pat on the back”. Kapag may naakomplish ang isa mong empleyado, ianunciyo mo sa buong opisina ang kanyang nagawa. Maeenganyo din ang ibang empleyado sa kanilang pagtrabaho sa ganitong sistema. Nalalaman nila na pinapansin din ang paghihirap nila.
from You're Hired http://ift.tt/2xGZv4c
via IFTTT
Comments
Post a Comment