Paano Manatiling Masaya Sa Trabaho

Ang trabaho ay parang honeymoon. Sa umpisa masaya ka at kinikilig ka pa. Pero sa pagtagal ay na-bobore ka na at minsan naiisipan mo na magresign. Gusto mo na ng “break”.
Bago ka umabot sa ganoong pangyayari, may mga paraan kung paano ka mananatiling masaya sa iyong trabaho..gaya lang sa isang relasyon.

  • Maging “engaged” sa trabaho

Ang isang “engagement” ay ang pag commit ng katapatan sa isa’t isa. Tulad sa trabaho dapat ay may commitment ka sa ginagawa mo. Kapag focused ka sa iyong goals or mga pangarap, maachieve mo ang iyong tagumpay.

  • Kilalanin mo ang iyong sarili

Kapag kilala mo na ang iyong sarili, nabubuo ang iyong mga prinsipyo sa buhay. Alam mo na ang gusto mo mangyari sa buhay mo. Alam mo na kung paano ka magtrabaho, kung sino ang gusto mong katrabaho at importante sa lahat…alam mo kung ano ang gusto mong trabaho.

  • Suriin mo kung ang tagumpay mo ay tagumpay din ng kompanya mo

Masarap ang pakiramdam na nagtratrabaho ka sa isang kumpanya na makakatulong sa iyo sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Isipin mo kung sa pagtagal mo sa trabaho mo ngayon ay makakamit mo ba yung suweldo o posisyon na gusto mo? Kung nasa sales ka, nakakatulong ba ang programa ng iyong kumpanya para maachieve mo ang quota mo? At kung maachieve mo yung quota mo, may incentives ka ba or ma propromote ka?

  • Pag-aralan mo ang ibang oportunidad sa iyong trabaho

Kung bored ka na sa trabaho mo ngayon, baka kailangan mo lang malipat sa ibang departamento na mas “challenging” para sa iyo. Baka may opening sa ibang branch or ibang sector ng kumpanya na mas ayon sa skills or kaalaman mo. Kausapin mo ang iyong boss at baka mayroong projek na nasa linya ng iyong interes na ayaw gawin ng iba dahil mahirap. Kapag yung ay ginawa mo, hindi ka na mabo-bore sa gawain mo, na cha-challenge ka pa.



from You're Hired http://ift.tt/2x0OltV
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss