8 Importanteng tips sa paghahanap ng trabaho.

Maraming trabaho ang ‘available’ ngayon para sa iyo. Ngunit napakarami rin iba pang tao na nag-a-apply ng trabaho. Dahil dito, nababawasan ang pagkakataon mo na makahanap ng trabahong gusto mo. Ang kailangan mo lang gawin ay bigyang-diin ang iyong karanasan, edukasyon at kakayahan. Ang iba pang kailang mong gawin ay nakalahad dito.

1. Isulat sa resume ang mga nararapat na detalye at kakayahan na kailangan ng trabaho na ito. Tanggalin sa resume ang hindi na kailangan dahil hindi ito babasahin ng HR.

2. Mag-apply lamang sa trabahong alam mong may kakayanan kang gawin. Habang ini-interbyu, bigyan-diin ang iyong mga kakayanan and karanasan na may kaugnayan sa trabaho.

3. Magsuot ng nararapat na kasuotan pag mag a-apply o magpapa-panayam. Ang tawag dito ay ‘power dressing’. Ito ay magbibigay sa iyo ng tamang kumpiyansa sa sarili.

4. Laging pagbutihin ang pagsagot sa mga panayam. Siguraduhin na ang mga sagot mo ay makatotoo. Ipakita mo ang iyong sarili sa pananalita mo. Ang panayam ay pagkakataon mo sabihin kung paano ka makakatulong sa kumpanya.

5. Ipakita mo na ikaw ang nababagay sa kumpanya at sa trabahong ito. 7. Magagawa mo ito kapag ikaw ay nagsaliksik ukol sa kumpanya. Maari mong paghandaan at sabihin kung paano makikinabang ang kumpanya sa mg kakayanan mo.

6. Pag nag-aapply, laging mag handa na baka ikaw ay bigyan ng panayam. Ugaliin isulat ang mga karaniwan na mga tanong at pag-aralan kung ano ang nararapat na sagot.

7. Siguraduhin ayos ang itsura mo pag nag-aapply ng trabaho. Karaniwan sa mga nagbibigay ng panayam ay tinitignan ang itsura ng applikante. Kumilos ng tama habang kinakausap ng HR. Ito ay para magkaroon ng magandang impresyon ang HR sa iyo.

8. Mag ‘follow-up’ ng iyong pag-aapply sa trabaho. Siguraduhin makuha ang telephone number ng taong kumausap sa iyo. Paraanin ang ilang araw at tawagan siya para mag ‘follow-up’. Kapag hindi natanggap, alamin kung ano ang dahilan at itama ito sa susunod na pag-apply.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kailangan gawin kapag naghahanap ng trabaho.



from Jo Ortiz http://ift.tt/2BGl5L3
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss