Mga hindi dapat ilagay sa modernong resume.
Resume, Curriculum Vitae, Biodata – iisa lamang ang ibig sabihin niyan. Ito ay isang mahalagang dokumento na ginagamit mo kapag ikaw ay nag-aaply. Intrumento mo ito para ikaw ay matangap sa isang trabaho. Kailangan ingatan mo ang mga impormasyon na inilalagay mo sa iyong resume dahil ito ay mariing inuusisa ng iyong inaapplyan ng trabaho. Kapag may impormasyon ito na hindi tugma sa tunay mong pagkatao maari itong maging sanhi ng pagkasisante.
Kailangan laging updated ang iyong resume at tama ang mga nakalagay dito. Pero hindi mo kailangan ilagay lahat ng mga hindi mahahalagang impormasyon sa iyong resume. Kapag ito ay masyadong mahaba, malamang hindi ito pansinin ng HR. Tandaan mo na ang kailangan lang ilagay ay ang mga importanteng impormasyon na relevant sa posisyon na inaaplyan mo.
Kayat ito ang mga impormasyon na hindi mo na kailangan ilagay sa iyong resume.
1. Ang naging trabaho mo na lampas na ng 15 years na nakaraan
Kung matagal ka na nagtratrabaho, hindi mo na kailangan ilagay yung naging trabaho mo 15 years ago. Sobrang tagal na itong mga ito at hindi na relevant na impormasyon. Pero maari mong banggitin na lang ito kung nais mo sa mismong interview. Ang mahalaga ay ang huling 3 hanggang limang naging trabaho mo ang nakalagay sa makabagong resume.
2. Contact information
Sa makabagong resume, hindi mo kailangan ilagay ang iyong kumpletong address. Ang maari mong ilagay ay ang barangay at siyudad kung saan ka nakatira (Halimbawa: Palanan, Makati City). Ito ay para sa iyong sekuridad dahil baka kung kanino mapunta ang iyong impormasyon maging biktima ka pa ng identity fraud. Maari mong ibigay ang kumpleto mong address kapag pina-fill-upan ka na ng opisyal na application form ng kumpanyang inaaplayan mo. Ang kailangan mo ilagay sa resume ay ang telephone numbers, email address at mga links tulad ng LinkedIn (kung meron ka) or business website. Huwag mo ilalagay ang mga personal mong links tulad ng Facebook, Instagram or Twitter accounts mo.
from Jo Ortiz http://ift.tt/2FQnPUo
via IFTTT
Comments
Post a Comment