Paano ayusin ang inyong workload?
Hindi kakaiba ang matambakan ka ng sobrang daming trabaho lalo na sa isang opisina. Maraming paraan para matapos mo lahat ng mga kailangan mong gawin para maging episyente ang iyong pagtratrabaho.
1. Isulat mo lahat ng kailangan mong gawin.
Bago pa magumpisa ang araw o buong lingo mo ng pagtratrabaho, isulat mo na sa isang papel or record ang mga kailangan mong gawin o tapusin. I-ranko mo ang pinakaimportante sa unahan ng listahan para organisado na ito sa iyong isip.
2. Repasuhin ang iyong workload ng madalas.
Dalasan mo ang pagreview ng mga trabahong natapos mo na at ang mga pending pa. Baka may isa kang trabaho na lagi mong nilalagay sa huli. Isipin mo bakit mo lagi itong isinsantabi at gawan mo ng paraan para matapos ito.
3. Magtakda ng makatotohanang deadline para sa iyong workload.
Maging makatotohanan ka sa iyong sarili kung gaano mo katagal kayang tapusin ang trabahong nakatakda sa iyo. Sa ganitong paraan hindi mo niloloko sarili mo at hindi ka overwhelmed sa trabaho.
4. Payagan ng konting oras para sa mga pagkagambala.
Hindi maiiwasan na may mga trabahong kailangan isingit or me katrabahong nang-iistorbo. Bigyan mo sarili mo ng konting oras para isingit ang mga ito at balikan mo agad ang na-pending mong trabaho.
5. Isaayos mong mabuti ang iyong workload.
Iwasan mong mag-umpisa ng isang trabaho at projek tapos ipepending mo ng matagal. Tapusin mo agad ang inumpisahan mo para maka move-on ka na sa susunod.
6. Huwag mong hayaan na istorbohin ka ng bawat mensaheng natatanggap mo sa iyong email.
7. Unahin mo muna ang pinakamadadaling trabaho.
Mas marami kang matatapos kung uunahin mo muna ang pinakamadadaling gawain sa listahan mo.
8. Kung mag-mu-multi task ka, yung hanggat sa kaya mo lang.
Huwag mo sagarin sarili mo sa hindi mo kaya. Minsan sa sobrang pagod lalo kang walang matatapos.
9. Idelegate mo yung ibang trabaho sa kasamahan mo.
Kung hindi mo kaya lahat ng trabaho baka me mapakiusapan kang ka-trabaho na makatulong sa iyo.
10. I-record mo ang trabahong natapos mo na para sa susunod na lingo maiayos mo ang schedule mo sa mga trabahong kaya mong gawin
from Jo Ortiz http://ift.tt/2sfTjBq
via IFTTT
Comments
Post a Comment