Paano ma promote?

Marahil ay nagtratrabaho ka hindi lang para kumita ng pera. Meron kang career goals at isa dito ay ang ma-promote. Sa tutoo lang, hindi madali ma promote. Mag-iinvest ka ng oras at pagod para marating mo ang posisyon na gusto mo. Ito ang mga tips kung paano ka ma-propromote.

1. Humingi ng tulong sa iyong boss

Malaki ang maitutulong ng boss mo sa iyong mga pangarap ma promote. Huwag kang mahiya humingi ng tulong sa kanya. Sabihin mo sa boss mo ang nais mong umangat sa trabaho. Marahil alam niya ang tamang proseso kung paano mo ma-aachieve ito. Baka may educational requirements ang iyong ninanais na posisyon, or mga training na kailangan mong daanan. Ang boss mo ang makakasabi kung ano ang mga hakbang patungo sa iyong promotion.

2. Mag-aral ka muli

Madalas ang mga managerial or supervisory ang position ay kailangan ng karagdagang diploma or educational degrees para ikaw ay mag qualify. Kung ang gusto mong posisyon ay lihis sa ginagawa mo ngayon, ay kailangan kumuha ka ng mga dagdag na edukasyon para maging qualified ka para ditto. Magandang bumalik ka sa kolegio o unibersidad para ma-achieve mo ito.

3. Maging aktibo or mag-volunteer gumawa ng trabaho na higit na ine-expect sa iyo

Magandang mag-volunteer ka gumawa ng extra na trabaho labas sa ginagawa mo ngayon. Mayroon din mga aktibidades na makakatulong sa iyong promosyon. Halimbawa, magvolunteer ka kung naghahanap sila ng mga empleyadong willing mag-overtime sa trabaho. Or di kaya may okasyon sila tulad ng charity events kung saan kelangan nila ng volunteers para magdistribute ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. Kapag aktibo ka sa opisina, napapansin ng mga boss yon at kinukunsider nila ang iyong pagiging masigabo. Hindi imposible ang na propromote sa trabaho dahil sa pagiging aktibo sa extra curricular activities ng isang opisina.



from Jo Ortiz http://ift.tt/2EmeN4l
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss