Paano makuha ang hinahanap na trabaho.

Ang sabi nga nila, daig ng masipag ang magaling. Hindi lahat ng natatanggap sa trabaho ang pinakamagaling na aplikante. Pagdating sa pagtanggap ng aplikante, maraming mga aspeto ang tinitingnan muna ng mga emplayado bago gumawa ng disisyon kung sino ang tatanggapin. Madalas, ayon sa mga ito, ang trabaho ay ibinibigay sa pinakamahusay at bukod tangi sa lahat.
Nakasalang alang sa listahan sa baba kung ano ang mga pwedeng gawin upang iyong makuha ang trabahong ninaais:

Maging Organisado sa paghahanap

Medaling maligaw sa dami ng gagawin kapag naghahanp ng trabaho. Ugaliing gumawa ng schedule upang hindi matabunan at maguluhan sa dami ng kailangang gawin. Gumawa ng isang araw na nakasalalay sa pag proseso ng requirements na hihingin ng employer, mag salang alang ng ialng araw sa lingo para sa paghahanap ng trabahao, at ang natitirang araw naman ay maaring ilibre para sa pagpunta sa mga interbyu.

Magsaliksik tungkol sa kompanyang iaaplyan

Kapag natawag ka na para sa interbyu sa iyong gustong trabaho, gawing manaliksik at maghanap ng impormasyon tungkot sa trabaho at sa kompanyang gustong salihan. Ang mga kompanya ay naghahanap ng mga trabahador na hindi lamang magaling, kundi sakto din sa mga kultura at makakatulong sa pag kamit ng mga hangarin ng kumpanya. Ang kaalaman na ito ay may malaking maitutulong sa pagsagot ng tanong na “Tell me about yourself” at “why should we hire you”. Dito mo masasabi kung ano ang maibibigay mo sa kompanya.

Magpakita ng kompyansa sa sarili

Ang kompyansa sa sarili ang makakapagbigay sayo ng oportinidad na iyong hinanahanap lalo na ang trabahong nasasapat para sa iyo. Kung wala kang kompyansa sa sarili, wala ka na din pag asa sa mga mas magagandang trabaho na pwede mong makuha. Alamin at maging totoo sa sarili tungkol sa inyong kalas at kahinaan para maharap mo ang mga bagay na kailangan baguhin at ayusin sa sarili. Sa pamamagitang ito, makikita ng mga employer na ikaw ay totoo sa iyong sarili at ikaw ay handing matuto at making.



from Jo Ortiz http://ift.tt/2BcwAZN
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss