Posts

Showing posts from February, 2018

GM Gets Product Development Innovator Certification on the first Innovation Design Thinking v2.0 Fundamentals Class of 2018

Image
MAKATI CITY, Philippines-  To kick-start the year, School of Design Sprint launched its half-day  Innovation Design Thinking v2.0 Fundamentals   program. Last February 2, The Sprint King trained 20+ Filipino professionals to generate industry-disrupting ideas in a way that is fast, practical, and appealing to customers via  #InnovationThatWorks. Also on that day, The Philippines gets its very first, Certified Product Development Innovator in the form of Ms. Josephine Ortiz. She was able to discuss her project to the class and inspired the current wave to be an advocate of innovation. Of course, we wanted to share what we learned from Ms. Ortiz! We asked her a few questions about her journey to becoming the very first to receive an innovation certification and here’s what we found out: Q.  How did you become acquainted with the Innovation Workshop? A.  It was part of my Black Belt Six Sigma Program. Q.  What Prompted you to start ...

Mga di dapat gawin pag nagtratrabaho.

Kung gusto mong mapanatili ang iyong trabaho, ito ang mga dapat mong gawin at hindi dapat gawin sa loob ng opisina. — Gawin mo ng maayos ang iyong trabaho. — Huwag kang maging kapansin pansin sa maling dahilan. Huwag kang reklamador. — Lagi mong i-update ang boss mo tungkol sa trabaho lalo na kung may natatapos kang malalaking projeks. — Huwag kang tsismoso o magkalat ng tsismis. Maging alerto ka lang sa lahat ng nangyayari sa opisina para hindi ka naman huli kung may “bad news”. — Magmagandang loob ka at mag-volunteer kung may bagong projek o tapusin ang mga trabaho na iniwan ng nasisante mong katrabaho. Gawin mo kahit dagdag sa responsibilad mo ito. Ito ay pagpapakita ng iyong concern sa negosyo at makakatulong ito sa pag angat ng iyong carir. — Huwag kang negatibo sa lahat ng bagay. Huwag ka lang OA at kunwaring sobrang masayahing tao. — Magfocus ka sa pag-maintain mo ng iyong certifikasyon at mag-update ng iyong skills. Kahit hindi naman ito kailangan pa ng iyong employ...

Mga tips kung paano maging eksperto sa trabaho.

Lahat tayo ay gusto maging matagumpay at maging mabuting malimbawa sa ating trabaho. Ngunit hindi madali ang tagumpay. Kailangan ikaw may ay magandang ugali, professional at marunong ka mag teamwork. Ang sumusunod na tips ay makakatulong sa iyo kung paano maging eksperto sa iyong trabaho. 1. Pag-aralan mong mabuti ang iyong trabaho para magawa mo ito ng maayos. 2. Magtrabaho ka ng maayos. Iwasan ang mga personal na gawain at mga tawag sa telepono sa loob ng opisina. Huwag mo dalhin ang personal mong problema sa opisina na makakaapekto sa iyong trabaho. 3. Maging propesyonal. Maging seryoso at pokus sa trabaho kahit ano pa ang maging sitwasyon. Huwag makipagharutan sa loob ng opisina. 4. Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. 5. Magkaroon ng “initiative” or kusang palo. 6. Maging isang “team player”. Para maging matagumpay, kailangan ay marunong ka makisama at makituring ng maayos sa iyong mga katrabaho. 7. Kilalanin mo ang boss mo. Hindi mo kailangan siya maging isang bestfr...

Mga bagay na di mo dapat sinasabi sa unang araw ng trabaho.

Mga Bagay na Di Mo Dapat Sinasabi Sa Unang Araw ng Iyong Trabaho Mag-iingat ka lagi sa iyong mga sinasabi sa loob ng opisina lalo na kung unang araw mo palang sa trabaho. Hindi mo masasabi kung sino ang makakarinig sa iyo. Maaring ang masasabi mo pa ay makakasama sa lagay mo sa trabaho. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga hindi mo dapat sinasabi sa loob ng opisina. 1. “Pacensiya na late ako.” Una sa lahat, hindi ka dapat ma-late. Hindi excuse ang ma-trapik, or nasira ang MRT or kahit anung pa nangyari kaya ka na-late. Napakasamang impresyon ang late ka sa unang araw ng trabaho or kahit kalian pa man. Ugaliin mong magising ng maaga at umalis ng bahay bago ka pa abutin ng trapik. Huwag ka rin makikihalubilo sa mga kaopisina mo na may ugaling na-le-late. 2. “Wow, ang sexy ng receptionist!” Kahit ang intensiyon mo ay paghanga ang ganitong kasabihan ay uri ng “sexual harassment”. Pwede kang makasuhan ng nakarinig sa iyo at hindi magandang pangitain ito. Mainam na itago mo nalang s...

Tips para maganda ang impression mo sa opis.

Mahalaga ang unang impresyon dahil ito ang nagtatagal sa isipan ng tao at ito ang nagiging basehan nila ng opinion nila sa iyo. Lalo na sa opisina, ang unang impresyon ng iyong mga katrabaho ay napakahirap baguhin. Sundin mo ang mga tips na ito para maganda ang iyong unang impresyon sa iyong boss at mga katrabaho. 1. Magkaroon ng posibitibong ugali Huwag mong dalhin ang mga personal mong problema sa opisina. Maging masayahing tao at maging mabuti ang pakitungo sa iyong katrabaho. 2. Maging propesyonal sa pananamit Magbihis ng sang-ayon sa polisiya ng iyong opisina. Malaki ang naitutulong ng maayos at nararapat na pananamit sa iyong opis. Mas rerespetuhin ka at propesyonal ang tingin sa iyo. 3. Ipakita mo na team player ka Alalahanin mo na parte ka na ng isang team kayat maging willing ka tumulong sa iyong ka-team mate. Huwag kang maging pabigat sa trabaho at imbes tumulong ka sa paghanap ng mga solusyon sa problema o pag-achieve ng mga goals ng team. 4. Imemorize mo agad ang m...

Dahilan ng unemployment… “jobs mismatch”.

Sa kasalukuyan, ang porsyento ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay nasa 5.6% para sa buwang ito at naglalaro sa katulad na numero ang karaniwang porsyento para sa taong ito, ayon sa PSA. Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang problema ng hindi tugmang trabaho ay maaraning magdulot ng pagtaas ng kawalan ng trabaho sa bansa. Ayon sa senador, ang mga kwalipikasyon na hinahanap ng mga maypagawa or may-ar i ng negosyo, korporasyon at iba pa ay hindi tumutugma sa mga natapos na edukasyon at pagsasanay ng mga kabataan. Dagdag pa ng senador, maraming trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa loob at labas ng bans, ngunit hindi naman akma ang karamihan ng mga ito sa edukasyon ng mga tao. Ano ang nararapat gawin para maibsan ang hindi pagkakatugma ng trabaho sa kurso or pagsasanay na natapos ng mga kabataan? Sa kabutihang palad, may mga paraan nararapat gawin ang mga kabataan upang makakuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay. Unang una ay maaari nilang alamin anong industriya ang nagt...

Mga hindi dapat ilagay sa modernong resume.

Resume, Curriculum Vitae, Biodata – iisa lamang ang ibig sabihin niyan. Ito ay isang mahalagang dokumento na ginagamit mo kapag ikaw ay nag-aaply. Intrumento mo ito para ikaw ay matangap sa isang trabaho. Kailangan ingatan mo ang mga impormasyon na inilalagay mo sa iyong resume dahil ito ay mariing inuusisa ng iyong inaapplyan ng trabaho. Kapag may impormasyon ito na hindi tugma sa tunay mong pagkatao maari itong maging sanhi ng pagk asisante. Kailangan laging updated ang iyong resume at tama ang mga nakalagay dito. Pero hindi mo kailangan ilagay lahat ng mga hindi mahahalagang impormasyon sa iyong resume. Kapag ito ay masyadong mahaba, malamang hindi ito pansinin ng HR. Tandaan mo na ang kailangan lang ilagay ay ang mga importanteng impormasyon na relevant sa posisyon na inaaplyan mo. Kayat ito ang mga impormasyon na hindi mo na kailangan ilagay sa iyong resume. 1. Ang naging trabaho mo na lampas na ng 15 years na nakaraan Kung matagal ka na nagtratrabaho, hindi mo na kailangan i...

Paano ma promote?

Marahil ay nagtratrabaho ka hindi lang para kumita ng pera. Meron kang career goals at isa dito ay ang ma-promote. Sa tutoo lang, hindi madali ma promote. Mag-iinvest ka ng oras at pagod para marating mo ang posisyon na gusto mo. Ito ang mga tips kung paano ka ma-propromote. 1. Humingi ng tulong sa iyong boss Malaki ang maitutulong ng boss mo sa iyong mga pangarap ma promote. Huwag kang mahiya humingi ng tulong sa kanya. Sabihin mo sa boss mo ang nais mong umangat sa trabaho. Marahil alam niya ang tamang proseso kung paano mo ma-aachieve ito. Baka may educational requirements ang iyong ninanais na posisyon, or mga training na kailangan mong daanan. Ang boss mo ang makakasabi kung ano ang mga hakbang patungo sa iyong promotion. 2. Mag-aral ka muli Madalas ang mga managerial or supervisory ang position ay kailangan ng karagdagang diploma or educational degrees para ikaw ay mag qualify. Kung ang gusto mong posisyon ay lihis sa ginagawa mo ngayon, ay kailangan kumuha ka ng mga dagdag ...

Paano ayusin ang inyong workload?

Hindi kakaiba ang matambakan ka ng sobrang daming trabaho lalo na sa isang opisina. Maraming paraan para matapos mo lahat ng mga kailangan mong gawin para maging episyente ang iyong pagtratrabaho. 1. Isulat mo lahat ng kailangan mong gawin. Bago pa magumpisa ang araw o buong lingo mo ng pagtratrabaho, isulat mo na sa isang papel or record ang mga kailangan mong gawin o tapusin. I-ranko mo ang pinakaimportante sa unahan ng listahan para organisado na ito sa iyong isip. 2. Repasuhin ang iyong workload ng madalas. Dalasan mo ang pagreview ng mga trabahong natapos mo na at ang mga pending pa. Baka may isa kang trabaho na lagi mong nilalagay sa huli. Isipin mo bakit mo lagi itong isinsantabi at gawan mo ng paraan para matapos ito. 3. Magtakda ng makatotohanang deadline para sa iyong workload. Maging makatotohanan ka sa iyong sarili kung gaano mo katagal kayang tapusin ang trabahong nakatakda sa iyo. Sa ganitong paraan hindi mo niloloko sarili mo at hindi ka overwhelmed sa trabaho. 4...

Paano makuha ang hinahanap na trabaho.

Ang sabi nga nila, daig ng masipag ang magaling. Hindi lahat ng natatanggap sa trabaho ang pinakamagaling na aplikante. Pagdating sa pagtanggap ng aplikante, maraming mga aspeto ang tinitingnan muna ng mga emplayado bago gumawa ng disisyon kung sino ang tatanggapin. Madalas, ayon sa mga ito, ang trabaho ay ibinibigay sa pinakamahusay at bukod tangi sa lahat. Nakasalang alang sa listahan sa baba kung ano ang mga pwedeng gawin upang iyong m akuha ang trabahong ninaais: Maging Organisado sa paghahanap Medaling maligaw sa dami ng gagawin kapag naghahanp ng trabaho. Ugaliing gumawa ng schedule upang hindi matabunan at maguluhan sa dami ng kailangang gawin. Gumawa ng isang araw na nakasalalay sa pag proseso ng requirements na hihingin ng employer, mag salang alang ng ialng araw sa lingo para sa paghahanap ng trabahao, at ang natitirang araw naman ay maaring ilibre para sa pagpunta sa mga interbyu. Magsaliksik tungkol sa kompanyang iaaplyan Kapag natawag ka na para sa interbyu sa iyong ...

8 Importanteng tips sa paghahanap ng trabaho.

Maraming trabaho ang ‘available’ ngayon para sa iyo. Ngunit napakarami rin iba pang tao na nag-a-apply ng trabaho. Dahil dito, nababawasan ang pagkakataon mo na makahanap ng trabahong gusto mo. Ang kailangan mo lang gawin ay bigyang-diin ang iyong karanasan, edukasyon at kakayahan. Ang iba pang kailang mong gawin ay nakalahad dito. 1. Isulat sa resume ang mga nararapat na detalye at kakayahan na kailangan ng trabaho na ito. Tanggal in sa resume ang hindi na kailangan dahil hindi ito babasahin ng HR. 2. Mag-apply lamang sa trabahong alam mong may kakayanan kang gawin. Habang ini-interbyu, bigyan-diin ang iyong mga kakayanan and karanasan na may kaugnayan sa trabaho. 3. Magsuot ng nararapat na kasuotan pag mag a-apply o magpapa-panayam. Ang tawag dito ay ‘power dressing’. Ito ay magbibigay sa iyo ng tamang kumpiyansa sa sarili. 4. Laging pagbutihin ang pagsagot sa mga panayam. Siguraduhin na ang mga sagot mo ay makatotoo. Ipakita mo ang iyong sarili sa pananalita mo. Ang panayam ay ...

Developing your personal brand.

How do you plan to present yourself when you apply for a job? Be prepared for common questions and do some research. Before submitting your resume, make sure that you do some research on the company that you are applying for. When you do get a call back, another thing that you need to have prepared is your answers to common questions. This is so you will not be caught surprised, and have a blank answer. Some of the common questions include: What can you tell me about yourself? What are your strengths? What are your weaknesses? Why should we hire you? Where do you see yourself five or ten years from now? Why do you want to work here? Tell the hiring manager how you will meet their needs. As your resume is only about a page or two long, never expect the HR person who will be doing the interview to know everything about you. Plus, do not assume that the HR manager remembers what is written there. So, make sure to articulate on your skills and talents. What about them can help th...

Tips for the job seeker…

You must have heard people urging you what to do as you search for your first job or for a better job. People’s advice includes “pursuing your passions”, “dressing for success” and many other big and encouraging words. Those words have endured the tests of time and have been applied successfully over the years. But we need to take note that job search is a continuously evolving process. While old practices continue, many new concepts have been added. The following tips to help a job seeker find his perfect job combine the old and the new: — Show your vulnerability – You don’t have to show every time that you are a know-it-all person to get the desired position. At times you have to show people your vulnerability by sharing the admiration for somebody’s work and seeking advice. Doing this with high-level people at a company you had been dreaming to join, before they have any job opening you can apply for, could open the door for you to that company. — Don’t always give way to your pa...