Mga Paraan Paano Mo Matutulungan Mag-ipon ang Iyong Mga Empleyado
Sa mga nakaraang dekada, nagbibigay ang mga kompanya ng sapat na pensiyon sa kanilang mga tapat na empleyado sa kanilang pagretiro. Sa ngayon, wala ng nagbibigay ng ganuong benepisyo pwera nalang ang pensiyon na makukuha nila sa SSS. Ang tanging magagawa na lamang ng mga employer ay turuan at tulungan ang kanilang mga empleyado kung paano ang mag-ipon para sa kanilang pagreretiro. 1. Bumuo ka ng paluwagan system Ang paluwagan ay isang paraan kung paano makakapag-ipon ang isang empleyado para may pera siya kung sakaling may emergency or malaking gastusin na kailangang pag-ipunan. Sa Pilipinas, ang paluwagan ay isang systema kung saan lahat ng empleyado ay voluntaryong nagbibigay ng isang fixed na halaga at ito ay kinukulekta tuwing araw ng sahod. Pagdating ng takdang araw ng pagkubra, may isang empleyado na makaka-claim ng buong halaga. Sa susunod na schedule, ibang empleyado naman ang makakakubra. Karaniwan nasa usapan ng mga empleyado kung sino sino ang sasali at mga kukubra. Ang ri...