Paano Ma-Motivate ang Empleyado
Noong ako ay nagtratabaho pa, nakaroon ako ng napakahusay na boss na kahit hindi ako nabigyan ng kahit anong award or pabuya, napaimprove nya ang aking performance sa trabaho. Ngayon, naalala ko siya, doon ko narealize ang kanyang style sa pag motivate ng kanyang empleyado. Ito ang kanyang mga naging paraan kung kayat lahat ng mga empleyado na nahawakan nya ay nagtatagumpay. 1. Dalas dalasan ang “coaching” Kung nakikita mong nahihirapan ang iyong empleyado sa kanyang trabaho marahil ay may mga problema ito. Magandang at least 1 or 2 beses sa isang buwan ay magkaroon kayo ng “coaching session”. Gamitin mo ang oras na ito para i-assess sa kanyang ang performance ratings nya, kung saan sya nag-eexcel or pumapalpak. Purihin mo ang empleyado sa kanyang mga tamang gawain, achievements or kung nakamit nya ang mga work goals niya (quota, deadlines, projek na natapos). Tapos magfocus kayo kung saan siya nahihirapan. Maaring may mga problema ang empleyado mo sa trabaho or personal na buhay na ...